ISA si Kathryn Bernardo sa celebrity endorsers ni Presidentiable Mar Roxas, nakunan na ang kanyang online video para rito noong Sabado at nai-post na sa social media.

Nitong nakaraang Linggo, nag-pictorial naman si Kathryn kasama ang reel and real love team niyang si Daniel Padilla kasama si Mrs. Korina Sanchez-Roxas at ang esposo nitong si Mar sa isang park sa Quezon City.

Hati ang nababasa naming reaksiyon sa social media, maraming negatibo pero mas marami ang positibo sa pag-eendorso ni Kathryn kay Mar.

May mga nabasa kami na nagtatanong kung paano iniendorso ni Kathryn si Mar gayong wala pa namang inihahayag ang pamunuan ng INC kung sino ang ieendorso sa darating na eleksyon. Alam ng lahat na miyembro ng Iglesia ni Cristo si Kathryn at handog pa.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Marami kaming nabasang ‘tiwalag’ na raw si Kathryn kaya nakapag-endorso na siya ng kandidato niya sa 2016 election.

Gusto naming bigyan ng pansin ang isyung ito ng batang aktres dahil hindi rin naman tama na binibigwasan siya ng netizens dahil hindi naman siguro maglalakas loob si Kathryn na gawin kung hindi siya humingi ng permiso sa pamunuan ng INC.

Base sa aming pagtatanong ay humingi nga raw ng payo ang mommy ni Kath na si Gng. Mhin Bernardo sa taga-Central Office ng INC tungkol dito.

“Actually, nagtanong naman ang mommy ni Kathryn kung paano ang gagawin at pinayuhan siya na magpaalam sa Central tungkol dito at kung paano ang gagawin,” kuwento sa amin. “Siguro nagpaalam na sila at binigyan ng basbas kaya siguro nagawa ni Kathryn na mag-endorso. Mahirap kasi ang mga ganyang kaso, ang pamunuan lang ang nakaaalam.”

Wala rin kaming komento sa bagay na ito dahil usaping relihiyon at pulitika ito, dalawang bagay na walang katapusang usapan ito, di ba Bossing DMB?

Anyway, bukod kina Daniel at Kathryn ay nagpahayag na rin ang iba pang celebrities na si Mar ang kanilang napupusuan upang maging president, at ito’y sina John Prats, Billy Crawford, Jay-R, Kris Lawrence, Ramon Bautista, Carla Abellana, Karylle, Jason Francisco, Melai Cantiveros, Chokoleit, Lassy, Donita Nose, at James Yap.