STO. TOMAS, Batangas - Dead on arrival sa pagamutan ang isang high school student matapos umanong pagsasaksakin ng hindi nakilalang suspek sa Sto. Tomas, Batangas.

Nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Jucel Nobles, 16, taga-Barangay San Isidro Sur sa naturang bayan.

Ayon sa report ni SPO2 Jose Roy Malapa, dakong 10:00 ng gabi nitong Nobyembre 21, nasa loob ng kanyang bahay ang dalagita nang pagsasaksakin ng suspek.

Naglakad lang umano ang suspek palabas ng bahay, at iniwan din sa lugar ng krimen ang walong-pulgadang kutsilyo. (Lyka Manalo)

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!