Ni Marivic Awitan

Sumandig ang Air Force sa kanilang mga big gun para maigupo ang Cignal HD TV, 25-15, 19-25, 25-19, 25-19, kahapon at makalapit sa hangad na maging kauna- unahang kampeon ng Spikers’ Turf Season 1-Reinforced Conference sa San Juan Arena.

Matinding rotation ng tao na pinangunahan ni Jeffrey Malabanan na tumapos na may 17 hits ang ginamit ng Raiders para malagpasan ang hamon ng HD Spikers at makuha ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-three title duel.

Nagsanib puwersa naman sina Rodolfo Labrador, Reyson Fuentes, Ruben Inaudito at Edwin Tolentino na nagtala ng kabuuang 41-puntos para suportahan si Malabanan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Sila rin ‘yung mga player na nagdala sa team the whole conference kaya sa kanila din kami aasa hanggang sa huli,” ayon kay Air Force coach Rhovyl Verayo.

“Yun ang susunod naming goal, tapusin na ito next game,” dagdag pa ni Verayo.