Marie and Juan_Juan Tamad copy

MATAPOS mailigtas ni Juan (Sef Cadayona) ang kanyang lady love na si Marie (Max Collins), mas exciting na adventures ang naghihintay sa tamad, este, adorable na bida. 

Ngayong hapon, magsisimula na ang mas masayang Juan Tamad Season 2.

Kasabay ng paghahanap ni Juan ng kanyang ‘forever,’ mas malaking challenge ang kakailanganin niyang harapin. Dahil kahit isa na siyang YouTube sensation, sisikapin ni Juan na bumalik sa pag-aaral. Sigurado namang gaganahan si Juan sa pagbalik niya sa eskuwelahan lalo pa’t magiging teacher niya si Marie. 

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ano pa kayang mga kuwelang adventure ang papasukin ni Juan? Tuluyan na kaya silang magkabutihan ni Marie? At ang sikat na ngayong si Guapple, mahahanap na rin kaya ang katapat niya?

Abangan ang Season 2 ng Juan Tamad simula na ngayong 4:45 PM, sa GMA-7.