RYAN AT VILMA LANG_please crop copy

KINUWENTUHAN kami ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto na may ipinakilala nang kasintahan sa kanya ang bunso niyang si Ryan Christian, na 19 years old na ngayon.

“Well, more than a year na ang relasyon ng bunso ko sa girlfriend niya. Ako as a mother, eh, okey lang naman as long as sana matapos muna niya ang kurso niya bago magpaseryoso nang husto sa bagay na ‘yun,” sey ni Gov. Vi na tumatakbo ngayon for congresswoman sa lone district ng Lipa City.

Second year na si Ryan sa Ateneo de Manila sa kursong Business Management na binabalak nitong sa ibang bansa tapusin. Suportado ng mag-asawang Gov. Vi at Sen. Ralph Recto ang anumang plano ng anak sa studies nito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kuwento pa ni Ate Vi, pagdating sa girlfriend ay medyo magkakaiba ang dalawang anak niya, sina Ryan at Luis Manzano.

Mahilig daw sa conservative girls ang bunso niya. Ilang beses na rin nilang nakasama ang GF ni Ryan at ang latest ay bisita nila sa birthday niya last Nov. 3.

Mukhang may balak din daw si Ryan na pasukin ang pulitika.

“Kaya lang, gusto rin niyang maging TV host na kagaya ng kanyang Kuya Luis, kaya baka too early pa para magsalita sa mga bagay na ‘yan,” sey pa rin ni Ate Vi.

Naging viral kamakailan ang video speech ni Ryan nang i-represent nito ang amang si Sen. Ralph Recto at marami ang natatanggap nilang papuri.

Dahil patok sa crowd, marami na ang humihiling ngayon kay Ryan na magsalita kung saan-saan.

Samantala, walong shooting days na lang ang natitira para matapos na ni Ate Vi ang pelikula niya with Angel Locsin and Xian Lim na magiging opening salvo ng star Cinema sa 2016. (JIMI ESCALA)