Isang pulis, na umano’y close-in security ni Sarangani Vice Governor Jinkee Pacquiao, ang inaresto ng pulisya makaraang magpaputok ng baril sa loob ng isang beer house sa Pendatun, Sarangani, ini-report ng pulisya kahapon.

Nahaharap sa kasong administratibo si PO3 Leo Wata, matapos walang habas na magpaputok ng baril sa loob ng beer house.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na inutusan ni Wata ang isang “Jack Mamalumpong” na kunin ang baril nito at walang sabi-sabing nagpaputok ng baril ang suspek habang sila ay nag-iinuman sa isang beer house sa Pioneer Avenue, Pendatun, Saragani.

Dahil sa takot, kumaripas ang mga kostumer palabas ng beer house pagkatapos marinig ang sunud-sunod na putok.

Resulta ng drug test ni Nograles, lumabas na!

Kinumpirma ng pulisya na lango sa alak si Wata at ipinakuha kay Mamalumpong ang baril sa kanyang holster upang ilipat sa kanyang bag.

Itinuro ni Mamalumpong si Wata na nagpaputok ng baril, at mabuti na wala namang tinamaan.

Dinisarmahan si Wata ng mga rumespondeng pulis at nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang .9mm pistol at narekober ang basyo ng bala sa loob ng naturang establisimiyento.

Napag-alamang si Wata ay miyembro ng Glan Municipal Police, ngunit pansamantalang nakatalaga bilang close-in security ni Vice Governor Pacquiao. (Fer Taboy)