MOSCOW (AFP) – Dinudurog ng Russia ang mga jihadist ng Islamic State sa Syria gamit ang mga bomba na nasusulatan ng “For our people” at “For Paris” kasunod ng pangako ng Moscow na gaganti sa grupo ng mga terorista kaugnay ng pagpapasabog sa isang eroplanong Russian, na bumagsak sa Sinai sa Egypt.

Inilabas ng Russian television ang video na makikita ang isang lalaki na nagsusulat ng “For our people!” at “For Paris!” gamit ang itim na panulat sa mga aerial bomb ng Russia ilang minuto bago umalis ang isang warplane nito.

“The armed forces are conducting an aerial campaign of retribution,” saad sa pahayag ng Russian defense ministry.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo