Umapela ng hustisya ang pamilya ng Malaysian na pinugutan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa Sulu.

Habang isinusulat ang balitang ito, bigo pa rin ang pamilya na maiuwi ang bangkay ni Bernard Then Ted Fen dahil hinahanap pa ang pinaglibingan sa kanya.

Nananawagan si Christopher Then Ted Fen sa gobyerno ng Malaysia at Pilipinas na mas palawakin pa ang paghahanap sa bangkay ng kanyang kapatid.

Nagpasalamat ang pamilya sa lahat ng nagdarasal para sa kanilang pamilya, mabubuting hangarin at suporta na kanilang natanggap sa mga panahon na lubos ang hirap na kanilang pinagdadaanan na humantong sa masaklap sa kamatayan ng 39-anyos na engineer matapos mabigo ang pamilya na hinihiling na ransom.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Patuloy namang tinutugis ng militar ang grupo ni ASG Commander Alhabsy Misayya, na sinasabing pumugot kay Then noong Martes ng hapon sa Barangay Bud Taran sa Indanan, Sulu. (Fer Taboy)