STO. TOMAS, Batangas — Aabot sa P25 milyon halaga ng mga construction heavy equipment at truck ang sinunog ng grupo ng armadong suspek na pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sto. Tomas, Batangas.

Sa ulat ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), bandang 10:00 ng gabi noong Nobyembre 18 nang lusubin ng mga suspek ang lugar na pag-aari ng negosyanteng si Renato Maligalig, 57, sa Barangay San Agustin ng naturang bayan, at sinunog ang pitong heavy equipment at dalawang ten-wheeler truck.

Sinabi ni Provincial Director Senior Supt. Omega Jireh Fidel na matapos ang panunuog ay nagsitakas ang may 20 suspek na dumaan sa madamong lugar para makapasok sa compound. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito