Diether copy

MAY negosasyon ang Viva management kay Diether Ocampo para maging leading man ni Claudine Barretto sa gagawin nitong teleserye sa TV5, pero laking gulat daw ng kampo ni Boss Vic del Rosario na kasama sa ibang programa ng network ang aktor.

“Secretly, kinausap si Diether para maging leading man ni Claudine, pumayag naman ‘ata, pero nagulat ang Viva kasi supposedly sa kanila unang gagawa ng project si Diether, eh, biglang kasama na pala si Diether sa show ng Wattpad,” detalyadong kuwento ng source namin. “Kumbaga, naunahan na ng Wattpad ang project with Claudine na pang-2016 sana.”

Sabi namin sa source, baka alam ito ni Boss Vic dahil balitang magko-collaborate sila ni Ms Wilma V. Galvante na line producer na ngayon ng ilang programang umeere sa TV5.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Hindi ko alam, pero nagulat talaga ang Viva kasi ang alam nila, sila ang unang maglo-launch kay Diether as leading man of Claudine,” katwiran sa amin ng aming source.

Nakakaloka ang unang soap drama ni Claudine sa TV5, Bossing DMB, hindi pa nga buo ang cast, nagkakagulo na.

Hay naku, ayaw ni Onyok ng ganyan! (REGGEE BONOAN)