James at Nadine copy

MUKHANG pinagalitan ni James Reid si Nadine Lustre sa ginanap na premiere night ng pelikulang Wang Fam noong Martes sa SM Megamall dahil super late dumating ang aktres.

Kuwento ng ilang source namin na dumalo sa premiere night, late nang nagsimula ang Wang Fam dahil hinintay pa ang ilang artistang dumalo kasama na nga ang On The Wings of Love leading lady ni James.

“Maagang dumating si James, eh, natagalang dumating si Nadine,” kuwento ng source namin. “Tapos napansin naming pinagsasabihan ni James si Nadine dahil sa suot niya na super sexy.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Katwiran ni James, kaya raw siguro na-late si Nadine kasi nahirapan sa damit niya na super fit,” hirit ng isa pang source na ikinatawa namin. Ganito pala kahigpit si James Reid pagdating sa pananamit ni Nadine.

Bigla tuloy naming naisip na baka in character pa si James as Clark nang dumalo sa Wang Fam premiere night kasi pinagsabihan niya si Nadine sa suot nitong sexy.

Sa mga eksena nila sa On The Wings of Love ay konserbatibo si Lea pagdating sa pananamit niya.

Dagdag tsika pa ng source, “After ng movie, nag-uusap naman na sina James at Nadine, so okay na sila.”

Sige, aalamin namin ito sa Kapamilya Krismas 3 na gaganapin sa Trinoma Mindanao Parking Lot sa Sabado, Nobyembre 21 dahil kasama ang JaDine sa lighting ng giant Christmas Tree ng Trinoma Mall. (REGGEE BONOAN)