TALAVERA, Nueva Ecija - Nabigong mailusot ng isang 32-anyos na dalagang shoplifter ang kanyang mga inumit makaraang makuhanan siya ng CCTV sa loob ng isang supermarket sa Barangay Maestrang Kikay habang inilalagay ang mga ninakaw sa loob ng kanyang underwear.

Nahuli sa akto ng security guard si Jean Faken y Guling, dalaga, ng La Trinidad, Benguet, matapos itimbre ng CCTV monitor operator sa mga security guard na sina Edgardo Dulay at Razel Balecha ang nakuhanan ng CCTV na paglalagay ni Faken ng mga inumit na produkto sa suot na panty.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Marvin V. Verde, umabot sa P5,118 ang halaga ng iba’t ibang produkto na inumit ni Faken sa supermarket. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog