TIYAK na magsisikip ang traffic sa palibot ng Trinoma Mall sa Linggo (Nobyembre 22) dahil may personal appearance ang mga bida ng Ang Probinsiyano, On The Wings of Love at Doble Kara sa ganap na 4 PM para sa Kapamilya Krismas 3 na gaganapin sa Trinoma Mindanao Open Parking. Bilang hudyat ng paparating na Pasko, sisindihan na ng Trinoma Mall ang kanilang giant Christmas Tree.

Kumpirmadong darating sa Kapamilya Krismas 3 sina Coco Martin, Richard Yap, Maja Salvador, Agot Isidro, Arjo Atayde at iba pang cast ng Ang Probinsiyano; sina James Reid at Nadine Lustre kasama sina Albie Casiño, Bianca Manalo at ang iba pang bida ng On the Wings of Love; at Julia Montes kasama sina Sam Milby, Maxene Magalona, John Lapuz, at Alora Sasam ng Doble Kara.

Bukod sa kanila ay may OPM concert din sina Gloc-9, Erik Santos, KZ Tandingan, Morissette, Daryl Ong, at Ebe Dancel.

Kaya dapat agahan ng mga gustong manood at makiisa sa Kapamilya Krismas 3 ang pagpunta para hindi matrapik.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

(Reggee Bonoan)