Julia Montes copy

MAGIGISING na si Barbara (Alicia Alonzo) sa pagkaka-coma pero magdadala ito ng bagong dagok sa buhay nina Kara at Sara (Julia Montes) sa inaabangang teleserye sa hapon na Doble Kara.

Sa kanyang paggising, sasabihin ni Barbara na ang tumulak sa kanya ay si Kara. Pero ipagtatanggol siya ni Yaya Anita (Gloria Sevilla) at sasabihin na kasama niya si Kara nang mangyari ang aksidente. Kasabay nito, ibubunyag din ni Laura (Mylene Dizon) na si Sara ang kausap ni Barbara bago mangyari ang aksidente at hindi si Kara.

Si Sara nga ba talaga ang tumulak kay Barbara? Ang paggising ba niya ay makadaragdag sa galit na nararamdaman ni Lucille (Carmina Villaroel)? Mabuo at maisaayos pa kaya ang pamilya ni Kara?

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Huwag palampasin ang kuwento na magpapadama ng tunay na pagmamahal, Doble Kara, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.