Nobyembre 18, 1626 nang basbasan ni Pope Urban VIII ang St. Peter’s Basilica na matatagpuan sa Vatican City, noong halos tapos na ang istruktura.

Nasa basilica, na isa sa pinakamalalaking simbahan sa mundo, ang daan-daang obra. Ito ay may 11 kapilya, libingan para sa 91 namayapang santo papa, 45 altar at may lawak na 22,300 metro kuwadrado.

Ang orihinal na istruktura ay itinayo sa utos ni Roman Emperor Constantine I noong 322 A.D., at nakumpleto sa loob ng halos 50 taon.

Taong 1506 nang inilatag ni Pope Julius II ang pundasyon ng kasalukuyang gusali. Ngunit habang itinatayo, ang mga disenyo nito ay sumailalim sa iba’t ibang pagbabago mula sa mga arkitekto na sina Bramante, Raphael, Peuzzi, at Sangallo. Si Michaelangelo ang bumuo ng huling disenyo.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'