Pagsisisi ang nadarama ng isang 25-anyos na lalaki matapos niyang mapatay sa saksak ang nakakatanda niyang kapatid sa gitna ng pag-iinuman sa Balaoan, La Union, inihayag ng pulisya kahapon.

Sumuko sa Balaoan Municipal Police si Joseph Arciaga, makaraang mapatay ang kapatid na si Jesus Arciaga, 28, na hindi na umabot nang buhay sa ospital.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang magkapatid na Arciaga kasama ang ilang kaibigan sa Barangay Nagsabaran Norte sa Balaoan nang biglang magkagulo.

Batay sa pagsisiyasat, sa gitna ng masayang inuman ay nagalit si Joseph sa ginagawang panghihiya sa kanya ng kapatid.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Saglit na umalis ang suspek na armado na ng kutsilyo nang magbalik at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima.

Mabilis na inawat ng mga kamag-anak ang suspek at isinugod sa ospital si Jesus subalit hindi na ito umabot nang buhay. (Fer Taboy)