FullSizeRender(266) copy

PATULOY pa rin ang mystery ng AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. Napapansin na kahit lagi silang nakikitang magkasama na ngayon sa kalyeserye ng Eat Bulaga, nag-uusap na, nagsu-shooting ng entry nila sa Metro Manila Film Festival na My Bebe Love, nai-interview na magkasama, pero never silang nakikitang magkasama in public. 

Pagkatapos ng Tamang Panahon sa Philippine Arena, first time nilang pagsasama talaga, napansin ng AlDub Nation na never pa rin silang nakikitang magkasama sa events. Enjoy pa rin ang televiewers ng kalyeserye na nagpapalitan pa rin sila ng fan signs at mag-kiss sa split screen. Nakakatuwa nga na may nagbibilang pala kung ilang beses na sila kunwaring naghahalikan on split screen, umabot na raw ng 273 times as of Saturday.

Masaya ang AlDub Nation sa napanood nila noong Saturday ng tanghali sa kalyeserye na naka-attend si Alden sa birthday party ni Lola Nidora, iyong newspaper dance na sumali sina Alden at Maine, binuhat ni Alden si Maine, nag-piggy back ride si Maine para magkasya sila ni Alden sa itinuping newspaper, at nakita on screen na close at comfortable na sila sa isa’t isa.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pero kinagabihan, hiwalay na naman sila. Si Alden lang ang nag-invite sa AlDub Nation na samahan siya sa Coca-cola Wish Upon a Parol event sa Araneta Center na #WishMoKayaAko. 

Mukhang iyon ang ginagawa ng Eat Bulaga at ng producers ng My Bebe Love para patuloy na kasabikan ang dalawa kapag dumating na ang tamang panahon na makikita na silang magkasamang nagso-show in public para sa promotion ng movie at iba pang events na may kaugnayan sa MMFF sa December. (NORA CALDERON)