ALIAGA, Nueva Ecija - Naging madugo ang pagtatalo ng isang magpinsang-buo makaraang mapatay sa saksak ang isang 28-anyos na binata dahil sa alitan sa lupa sa Purok 4, Barangay Bibiclat sa bayang ito.

Sa ulat na isinumite ng Aliaga Police kay Mayor Elizabeth Vargas, hindi na umabot nang buhay sa ospital si Crisanto Palema y Lugod, dahil sa tinamong mga saksak sa katawan, kasama na ang sa puso.

Nabatid sa imbestigasyon ni PO2 Jose Balingit na dakong 5:30 ng hapon, nanonood ng telebisyon si Palema nang dumating ang pinsang si Alfredo Garcia y Palema at kinumpronta siya tungkol sa lupang pinagtataniman ng gulay hanggang sa saksakin siya ng pinsan. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog