Tinaniman ng limang bala sa ulo ng isang hindi nakilalang suspek ang isang 36-anyos na pedicab driver, na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito, sa Tondo, Manila, nitong Biyernes ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Christopher Adrales, 36, miyembro ng Batang City Jail (BCJ), at residente ng Magsaysay Street, Tondo, Manila.

Ayon kay PO3 Marlon San Pedro, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 10:40 ng gabi nang matagpuan ang biktima na naliligo sa sariling dugo sa harap ng isang bahay sa 304 Laurel Street sa Tondo.

Hindi pa matukoy ng awtoridad kung sino ang may kagagawan ng krimen at kung ano ang motibo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bineberipika rin ng pulisya ang impormasyon na ang biktima ang responsable sa serye ng holdapan sa Barangay 120, Zone 9 at maging sa mga kalapit na barangay. (Mary Ann Santiago)