BALAGTAS, Bulacan – Inaresto ang isang 51-anyos na lalaking Math teacher sa seksuwal na pang-aabuso sa estudyante niyang binatilyo sa loob ng faculty room ng paaralan.

Ayon sa ulat ng pulisya kahapon, nangyari ang pang-aabuso sa Asian Institute of Computer Studies sa Barangay Borol 1st sa bayang ito, dakong 9:30 ng umaga nitong Miyerkules.

Sa kanyang report kay Senior Supt. Ferdinand O. Divina, director ng Bulacan Police Provincial Office, kinilala ni Chief Insp. Voltaire C. Rivera, hepe ng Balagtas Police, ang dinakip na si Jesus Passion Bernardo, guro sa Math, at residente ng 308 Palawis, Obando, Bulacan.

Ayon sa imbestigasyon, pumasok ang 15-anyos na lalaking biktima sa faculty room ng eskuwelahan para magsumite ng kanyang assignment kay Bernardo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi ng binatilyo na sinabihan siya ni Bernardo na manatili sa faculty room kahit naisumite na niya ang kanyang assignment, at sinabi: “Wala namang masama na pumatol ka sa bakla. Nagsasabi ka ba ng totoo sa magulang mo? Paano kung makipag-sex ka sa girlfriend mo, nagsasasabi ka ba ng totoo?”

Hindi umano kumibo ang binatilyo hanggang sa hawakan umano ng suspek ang ari ng biktima at magsagawa ng oral sex sa estudyante.

Ayon sa biktima, hindi siya pumalag sa suspek sa takot na ibagsak siya nito sa Math.

Gayunman, agad na ikinuwento ng binatilyo sa isang kamag-aral ang nangyari, gayundin sa kanilang school administrator at sa kanyang ina, kaya naisuplong sa pulisya ang insidente at naaresto ang suspek.

Kinasuhan na ng paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) ang suspek sa Provincial Prosecutors’ Office sa Malolos City. (FREDDIE C. VELEZ)