claudine copy

HINDI na sa ABS-CBN magkakaroon ng soap opera si Claudine Barretto kundi sa TV5, sabi ng aming source.

Matatandaang hindi nakasagot nang diretso si Claudine nang tanungin siya sa presscon ng Etiquette for Mistresses kung balik-ABS-CBN na siya at kung may offer na gumawa siya ng teleserye, napangiti lang ang aktres at sinabing mag-uusap pa lang (sila ng management).

Nakagawa naman si Claudine ng episode sa Maalaala Mo Kaya na ipinalabas noong Oktubre 24 kasama sina Maureen Mauricio, Jao Mapa, Sue Ramirez, Allyson McBride, Marco Earlobe, Louise Bernardo at Paolo Gumabao sa dinireksiyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pero pagkatapos ay wala nang balita kung may gagawin nga ba siyang soap drama, na ang dahilan pala ay inalok siyang gumawa sa TV5. At kung hindi magkakaroon ng pagbabago, bukas ay may meeting si Claudine kasama ang manager niyang si Boss Vic del Rosario sa TV5.

Si Boss Vic na ang bagong content provider ng TV5 kapalit ni Ms. Wilma Galvante na nagla-line produce naman ng mga programang Happy Wife, Happy Life at Truck ng Bayan sa Singko.

Kuwento pa ng aming source, kinukuhang leading man si Derek Ramsay sa serye ni Claudine pero mukhang busy ang aktor kaya tumanggi ito.

Nangako ang aming source na bibigyan kami ng update pagkatapos ng meeting nina Claudine at Boss Vic sa TV5 management at kung ano ang magiging titulo ng TV series niya. (Reggee Bonoan)