ALDEN AT BEN CHAN copy

KABILANG na si Alden Richards sa Bench endorsers at official siyang winelcome ni Mr. Ben Chan nang i-post nito sa Instagram (IG) ang picture nilang dalawa na may caption na, “Officially welcoming Alden to the Bench Fix family.

Watch out for his campaign and billboard soon. #LoveLocal.”

Ang Bench Fix Salon ang ii-endorse ni Alden, hindi siya puwede sa clothing line ng Bench dahil endorser siya ng Boardwalk.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Makakasama ni Alden as endorser ng Bench Fix Salon si Daniel Padilla na dinumog ng kanyang fans, kahit hindi niya fans, nang i-launch ng Bench sa Trinoma Activity Center a few months ago.

Hintayin natin ang launching ni Alden bilang karagdagang Bench Fix Salon endorser kung maging kasing-dami ng tao ang pupunta sa venue sa rami ng fans na nag-attend ng launching ni Daniel.

Maganda rin sana kung pagkatapos ng solo billboard ni Alden ay pagsamahin sila ni Daniel sa isang billboard at sabay pang mag-pictorial para hindi na mag-away-away ang kani-kanyang fans.

Samantala, ikinatuwa ng fans nina Alden at James Reid ang picture na magkasama sila sa launching naman ng YAZZtravaganza event ng Metrobank. Pareho rin yata silang endorser ng bagong campaign na ito ng Metrobank kasama si Kakai Bautista.

At least, kahit man lang sa endorsement, nagkakasama-sama ang Kapamilya at Kapuso talents. (NITZ MIRALLES)