EMOSYONAL ngayon ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde ng Regal Entertainment dahil ang anak ng huli na si Keith Teo ay nakatakdang ikasal sa long-time girlfriend niya na si Winni Wang sa isang bonggang seremonya sa beach ng isla ng Boracay bukas.

Si Keith, isa sa pitong apo ni Mother Lily, ay 32 taong gulang. Fully accomplished na ang groom na grumadweyt ng cum laude sa kursong Law sa Boston University. Meron din siyang Masters of Law mula sa UC Hastings.

Isa namang doctor-pharmacist si Winni. Magkasama silang lumaki sa Amerika at nagkakilala sa pamamagitan ng kanilang common friend.

Kapwa beach lover sina Keith at Winni kaya naman nagpili nilang magpakasal sa Boracay.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Kilalang personalidad sa showbiz, pulitika at negosyo ang ilan sa kanilang principal sponsors na kinabibilangan nina Antonio Tuviera at Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, Peter Coyiuto, Atty. Alfred Alex Cruz III at Sen. Loren Legarda, Jose Javier Reyes at Cristina Tan Ng, Jose “Chito” Roño, Comm. Leonida Bayani Ortiz, Kenneth Yang at Cory Vidanes.

“The excitement is the same as when I was getting married. It’s also the same as when my four children got married.

Inaasikaso ko ang lahat ng bagay. I’m also eager to be a great-grandmother. Pero iba ang apo,” sabi ng Regal matriarch na nagpahayag na siya rin ang nag-alaga kay Keith noong maliit pa ito.

“He’s thoughtful and very caring,” sabi naman ni Roselle. “When he was a kid, every time he saw my mom smoking, he would take away the cigarette and put it off.”