Hindi umano nakapagpigil ang security guard ng isang disco bar kaya sinuntok nito ang isang lalaki, na aksidente namang nakagat ang sariling dila at naputol, matapos hipuan ang isang dalaga habang sila ay sumasayaw sa General Santos City, South Cotabato, iniulat kahapon.

Ayon sa General Santos City Police Office (GSCPO), nangyari ang insidente nitong Martes ng gabi, sa Ventilacion, Barangay Lagao, General Santos City.

Hirap ngayong magsalita ang biktima, na nagpapagaling pa sa ospital matapos makagat at maputol ang dila, makaraang suntukin ni Lennon Nebres, ng Barangay Bula, General Santos City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakalabas ang dila ng biktima habang nakatingin sa isang babae sa loob ng disco bar.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hindi pa nakuntento ang suspek at hinipuan umano nito sa dibdib ang dalaga.

Nakita umano ng suspek ang pambabastos kaya nilapitan nito at sinuntok ang lalaki.

Iniimbestigahan ngayon ang suspek dahil sa panununtok sa biktima, na kakasuhan naman sa panghihipo sa dalaga.

(Fer Taboy)