Maine, Wally, Alden at 'EB' hosts copy

CONGRATULATIONS sa Eat Bulaga! Sa pagdiriwang ng ika-36 taon ng number one noontime show, isang panibagong parangal ang natanggap nila.  

Apat na awards ang natanggap nila mula sa Illumine award-giving body para sa kanilang kauna-unahang Global Innovation Awards for Television:

Most Innovative TV Noontime Show – Eat Bulaga (sa pagbuo nila ng kauna-unahang kalyeserye sa show na tinanggap ng mga manonood hindi lamang sa bansa kundi sa iba’t iba pang panig ng mundo).

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Most Innovative TV Child Star – Ryzza Mae Dizon (para sa kanyang “Princess in the Palace” morning drama series)

Most Innovative TV Comedian – Wally Bayola (as Lola Nidora sa kalyeserye)

Most Innovative TV Loveteam – Alden Richards and Maine Mendoza

Ang pangatlong love team award nina Alden at Maine ay tinanggap nila kasabay sa pagsi-celebrate nila noong Monday, November 9, ng 100 days na nila simula nang una silang magkita sa kalyeserye noong July 16. Ang maganda, dalawang trophies ang ibinigay kina Alden at Maine ng Illumine kaya tig-isa sila. 

Sinariwa naman ni Alden kay Yaya Dub ang mahahalagang araw nila simula nang una silang magkita hanggang sa paggaya nila kina Guy at Pip noong Sabado. Ang gift ni Alden kay Maine ay 100 pieces of yellow and red carnations na paboritong bulaklak ng dalaga. Isang pink love letter naman na for Alden’s eyes only ang gift ni Maine.

(NORA CALDERON)