HINDI natitinag sa posisyon bilang nangungunang TV network sa Pilipinas ang ABS-CBN sa naitala nitong average national audience share na 42% sa pinagsamang urban at rural homes noong Oktubre kumpara sa GMA na may 38%, base sa viewership survey result ng Kantar Media.
Namamayagpag pa rin ang Dos sa primetime (6 PM to 12 MN) sa average audience share na 50% nationwide, lamang ng 19 na puntos sa 31% ng GMA. Sa primetime pinakamarami ang nanonood kaya ito ang importanteng timeblock sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming mamamayan sa buong bansa.
Batay sa data noong Oktubre, nangunguna pa rin sa listahan ng pinakapinapanood na mga programa sa buong bansa ang FPJ’s Ang Probinsiyano sa average national TV rating na 39.4% kasunod ang Pangako Sa ’Yo (33.4%) at TV Patrol (32%).
Nasa ikalima at ikaanim na puwesto naman ang weekend programs na MMK Ang Tahanan Mo (28.8%) at Wansapanataym (27.1%). Mainit pa ring tinatangkilik ng Pasion de Amor (26.4%), Home Sweetie Home (26.2%) sa ikawalong puwesto at Goin Bulilit (25.2%) at Rated K (25.2%) na tie sa ikasiyam na puwesto.
Ang pinakabagong talk-comedy-game show na Celebrity Playtime ang kumumpleto sa top ten sa average national TV rating na 24.3%. Sa pangkalahatan, siyam sa sampung pinakapinapanood na programa sa bansa ay mula sa ABS-CBN ayon sa Kantar Media. (Ador Saluta)