Iniharap sa court marshal ng Philippine Army ang tatlong sundalo makaraang magreklamo ng pangmomolestiya laban sa mga ito ang isang 14-anyos na katutubo sa Davao del Norte.

Sa pagdinig kahapon, iprinisinta ng prosekusyon sa court marshal ang mga ebidensiya laban kina Private First Class Joeffrey Galot, PFC Stanley Revila at Private John Balilla.

Ayon sa record, nangyari ang panghahalay sa Talaingod, Davao del Norte, noong Hulyo ng taong ito, habang naninilbihan ang biktima sa mga suspek.

Binigyan naman ang mga akusado ng laya na maghain ng not guilty plea at sagutin ang mga akusasyon laban sa kanila.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon kay 10th ID Commanding General, Major Gen. Rafael Valencia, maaaring masibak sa serbisyo ang mga akusado kapag napatunayang nagkasala. (Fer Taboy)