Lumalala na umano ang kondisyon ng kalusugan ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ay ayon sa anak ng dating punong ehekutibo na si Luli Arroyo-Bernas, sinabing hindi na umano bumubuti ang kalagayan ng kanyang ina, na naka-hospital arrest sa Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC).

“Her condition is not improving unfortunately,”pagdidiin ng anak ng dating pangulo.

Nagpahayag din ng pagdududa si Bernas kung pagbibigyan ng Sandiganbayan ang mosyon nila na isailalim na lamang sa house arrest si Arroyo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ngunit, umaasa rin siya na bibigyan ng ‘go-signal’ ng hukuman ang kanyang ina upang makapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.

Nakakulong si Arroyo sa VMMC dahil sa pagkakasangkot sa paglustay ng P366-milyon pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong presidente pa ito ng bansa. (Rommel P. Tabbad)