Pia Wurtzbach_FOR BANNER copy

Hinihintay ni 2015 Bb. Pilipinas-Universe Pia Alonzo Wurtzbach, ang pambato ng bansa sa 2015 Miss Universe beauty pageant sa Las Vegas sa Disyembre 20, ang “good luck” wish ni Pangulong Aquino para sa kanya, dahil naniniwala siyang magbibigay ito ng suwerte sa kanya.

“His ‘good luck’ wish is lucky. He (Pangulong Aquino) wished Bea Santiago good luck when she competed in the 2013 Miss International pageant and she won! Now I’m waiting for my good luck,” sinabi ni Wurtzbach nang kapanayamin sa “Mornings at ANC” sa ANC television network kamakailan.

Sinabi ni Wurtzbach na nananatili pa rin silang magkaibigan ni Pangulong Aquino.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“A good luck from him is very much appreciated,” sabi ng dalagang Filipino-German.

Sinabi ni Wurtzbach na nagsimula ang masayang pag-uusap nila ng Pangulo sa paglalakas-loob niyang tanungin ito ng mga katanungang hindi maitanong ng iba.

“He is surrounded by people who are serious all the time so whenever I talk to him, I’m brave with my questions, like I ask him questions that maybe other people would be afraid to ask him...his favorite pastime, music he listens to....these little things that’s when the casual, fun conversation started,” anang beauty queen.

Bread winner ng kanyang pamilya, nagsimula sa modeling si Wurtzbach noong siya ay 11-anyos, at nag-artista naman noong 17 taong gulang na, ngunit sinabi niyang bata pa man ay pangarap na niyang maging beauty queen.

Pagkatapos ng kanyang mga gawain bilang beauty queen, sinabi ni Wurtzbach na babalik siya sa pag-aartista.

Sa nasabing panayam, ibinalita rin ni Wurtzbach na bridesmaid siya sa kasal ng matalik na kaibigang si Pauleen Luna kay Vic Sotto sa Enero 2016. (ROBERT R. REQUINTINA)