MARIAN copy copy

PAPALAPIT na nang papalapit ang date with the stork ni Marian Rivera. Any day next week, o maaaring mas mapaaga pa, ang schedule ng delivery niya kay Baby Letizia Gracia Dantes.

Kaya kahapon, last na munang appearance ni Marian sa top-rating comedy-variety show na Sunday Pinasaya sa GMA-7. Isa siya sa hosts ng show, kasama sina Ai Ai delas Alas, Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola, Julie Anne San Jose, Valeen Montenegro, Joey Paras at Jerald Napoles.

“Mami-miss ko ang show namin dahil para kaming isang malaking family dito, bonding ng lahat ng mga hosts at production staff,” sabi ni Marian sa taping niya ng show. “Kaya maraming salamat sa lahat ng pag-aalaga ninyo sa akin at sa coming baby namin ni Dong at sa mga sumusubaybay sa aming show. Salamat sa special gift ninyo sa akin ngayong araw na ito.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang tinutukoy ni Marian ay ang surprise baby shower sa kanya ng show. Taped na kasi ang show kaya nakaganap pa siya bilang si Judge MD or Judge Marian Dantes. Special din ang episode kahapon dahil nag-celebrate ng birthday si Ai Ai delas Alas. Plus ang surprise special guests nila.

Inaabala ni Marian ang sarili sa pagluluto ng mga paborito nilang pagkain ni Dingdong na ipinu-post niya sa kanyang Instagram account. Ang madalas niyang iluto ay fish na may sabaw at may kasamang malunggay leaves na kailangan daw sa magbi-breast mom na tulad niya kapag nagsilang na siya. (NORA CALDERON)