Jessy-Mendiola1 copy

INAMIN ni Jessy Mendiola na malaking tulong sa kanya ang pagkakasama niya sa Banana Sundae na mapapanood na tuwing araw ng Linggo simula Nobyembre 15.

 

Epektibong pampawi ng stress ang nasabing gag show kaya nga mas mahal ni Angelica Panganiban ang Banana Split kaysa Pangako Sa ‘Yo.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Kapansin-pansing napakasaya ni Jessy sa presscon ng Banana Sundae, tawa siya nang tawa at maski na binu-bully siya ni Angelica Panganiban ay hindi siya nakitaan ng pagkainis.

 

Sabi ng ilang katoto, baptism of fire ni Jessy na i-bully siya ng mga kasama sa show para maging kampante o palagay ang loob niya at masanay na dahil mahabang panahon niyang makakasama ang mga ito.

 

At dahil mukhang okay na si Jessy at naka-move on na, agad niyang sinagot ang tanong kung saan siya humuhugot ng lakas.

 

“Sa nanay ko. Sobrang saludo ako sa nanay ko, for a time hindi kami nagkikita ng nanay ko, ‘tapos ‘yung ginawa niya ‘yung interviews na ‘yun o kaya nagsalita siya or wala siyang pakialam, nang-away pa nga ‘yung nanay ko sa Instagram para lang ipagtanggol ako. Bilib ako sa kanya, as in saludo ako kay Mama, wala siyang pakialam, ma-bash siya, ma-hate siya okay lang.”

 

Maraming nang-bash sa mommy ni Jessy nang ipagtanggol siya at hindi naman daw naapektuhan ang aktres dahil, “Nakakatawa nga kasi hindi lang isang isyu ang bina-bash sa kanya, marami, so parang nasasanay na lang ako, kasi damn if you do, damn if you don’t. If you’re not going to do it, may sasabihin sa ‘yo, gagawin mo, may sasabihin pa rin, so might as well I do what I want to do.”

 

Kung maraming bashers si Jessy at ang mommy niya, mas marami naman daw ang nagpaabot ng suporta. Ang maganda, pati hindi niya kakilala, nagsasabing suportado siya.

 

Ipinaaabot ng dalaga ang kanyang pasasalamat sa mga taong naniniwala sa kanya at ganoon din sa mga kasamahan niya sa showbiz, sa Star Magic at sa handlers niya, kaya madali raw siyang nakabangon sa mga isyung pinagdaanan niya.

 

Napatawad na ba ni Jessy ang mga taong nanakit sa kanya?

“You can really forgive, but you can’t forget. O, baka sabihin ng iba, bitter ako. Hindi ba ‘pag may nangyari sa ‘yo na sobrang sama, traumatizing, hindi mo naman agad-agad male-let go iyon. Kung sino’ng naagrabyado mo, you have to give her time to heal na, at nasa moving on process ako kaya hayaan na muna.”

 

Umamin si Jessy na hiwalay na sila ni JM de Guzman pero napanatili nila ang kanilang komunikasyon kahit hindi na sila nagkikita, dahil magkaibigan pa rin sila.

 

Magkaibigan pa rin sila dahil, “Kasi mahal ko siya,” diretsong sabi ni Jessy.

 

Bakit kailangang i-let go ang taong mahal naman pala niya?

“May mga bagay lang siguro kaming dapat i-prioritize now, I mean like me, ang dami ko ring blessings na dumarating, I’m sure, siya rin. Siguro ang mga bagay na hindi para sa ‘yo, huwag na lang ipilit.”

 

Ano kung ganoon ang status ng relasyon nila ni JM ngayon?

“Siya na lang tanungin n’yo. ‘Pag nakontak n’yo, tanungin n’yo,” natawang sabi ng dalaga.

 

Hindi naitago ni Jessy ang pagkalungkot at teary-eyed pa habang pinag-uusapan si JM.

 

“Naiiyak nga ako, eh, kayo talaga pinaiiyak n’yo ako, mabuti na lang walang (TV) camera.”

 

Inamin din ng aktres na madalas kasama si JM sa mga panalangin niya, “Kasi mabuti siyang tao.” (REGGEE BONOAN)