Nasungkit din ng Los Angeles Lakers ang kanilang unang panalo matapos nilang ilampaso ang Brooklyn Nets, 104-98 sa ginaganap na new season ng National Basketball Association (NBA).

Muli na namang ipinakita ni Kobe Bryant na nangungunang player ng Lakers ang kanyang istilo at galing matapos na magtala ito ng 18-puntos samantalang sina Jordan Clarkson at D’Angelo Russell ay kapwa nakagawa ng 16-puntos.

Samantala, nanalo naman ang Indiana Pacers kontra Miami Heat, 90-87.

Talo ang New Orleans Pelicans sa Atlanta Hawks 121-115.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tinalo rin ng Cleveland Cavaliers sa pangunguna ni Lebron James ang Philadelphia Sixers 108-102. Si Lebron na nagtala ng 31-puntos.

Wagi rin ang Boston Celtics sa Washington Wizards 118-98. Pinangunahan ni Jared Sullinger ang Celtics na nagtala ng 21-puntos.

Bigo rin ang Toronto Raptors sa Orlando Magic 92-87. Nanguna si Tobias Harris na nagtala ng 20-puntos.