TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Isang 26-anyos na lalaki ang naaresto sa pang-aabuso sa isang menor de edad sa lungsod na ito sa Sultan Kudarat.

Sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 50 sa Loay, Bohol sa paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law), nasakote ng grupo ni SPO2 Ronnie del Rosario, dakong 3:00 ng hapon, si Almer John Caderao, 26 anyos, may asawa, ng Tomboc Subdivision, Barangay Poblasyon, Tacurong City.

Nakapiit na ang suspek.

Nabatid na ang nasabing operasyon ay may kaugnayan sa kampanyang “Manhunt Bravo” ng pulisya, na batay sa tala ng Tacurong City Police ay umaabot na sa 43 na may warrant of arrest ang nadakip sa nakalipas na mga buwan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Leo P. Diaz)