Nobyembre 7, 1987 nang magsimula ang operasyon ng Mass Rapid Transit (MRT) system sa Singapore, na noong una ay may anim na kilometrong biyahe mula sa Yio Chu Kang patungong Toa Payoh at may limang istasyon.

Pinangunahan ni noon ay Singaporean Second Deputy Prime Minister Ong Teng Cheong at noon ay dating Minister for Communications and Information Yeo Ning Hong ang inaugural ceremony sa platform ng istasyon ng Toa Payoh MRT.

Mahigit 120,000 pasahero ang sumakay sa tren.

Naging patok ang bus network sa Singapore noong huling bahagi ng 1970s, ngunit naging malaki ang populasyon nito. Sa tulong ng United Nations Development Program at ng World Bank, nagsagawa ng iba’t ibang pag-aaral ang gobyerno kaugnay ng mass-transit mula 1972 hanggang 1980. Noong Mayo 1982, sumang-ayon ang gobyerno sa MRT system na nagkakahalaga ng S$5 billion.

Trending

Netizens naka-relate, napahugot sa 'Hindi na marami ang tubig ng instant noodles'

Ang MRT system, na tinagurian bilang isa sa pinakamahuhusay sa mundo, ay kasalukuyang binubuo ng 113 istasyon at 153 kilometrong ruta.