JM AT JESSY copy

SA wakas, nagsalita na si Jessy Mendiola sa tunay na kalagayan ng relasyon nila ni JM de Guzman. Nag-break na nga sila, sa pangalawang pagkakataon.

Idinahilan ni Jessy ang pagkakaroon nila ng kanya-kanyang priorities na dapat tutukan at isaalang-alang.

“Siguro we’re in the position where we would like to prioritize other things. We really think that our relationship basically won’t help with our respective focus and priorities so napag-usapan naman namin na it’s better na huwag na lang muna,” sey ni Jessy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagmamahalan silang dalawa at ni katiting na panghihinawa sa isa’t isa ay malayung-malayo sa ordinaryong magkasintahan lalo na kay Jessy, na sobrang minamahal ang aktor.

“Ako wala akong falling out. Alam mo ‘yung siguro may certain time na darating na mas magiging okay ako. Siguro ngayon it’s God’s way of saying na, ‘You need to prioritize other things more than this,’ so nandon ako, sumusunod lang ako sa daloy na kung ano ang nangyayari sa akin. May mga bagay talaga na ‘pag sinasabi mong hindi talaga para sa’yo, huwag mong ipilit,” pahayag ng aktres..

Pero, wait-and-see muna tayo dahil tuluy-tuloy naman ang komunikasyon ng dalawa after the break-up. Malay natin, mahilot?

“We’re okay, we still talk and I would like to believe that we are still friends. And the people are saying, why?

Kasi I love him. I do (love him),” mariing sabi ng dalaga. “Kasi siya talaga ‘yung taong naniniwala sa akin, dati pa.”

Maraming bagay siyang ina-appreciate sa ex-boyfriend at hindi niya ito malilimutan.

“He’s an amazing person, he’s very talented, he’s very loving and passionate and I think that’s why I fell in love with him. He’s a very passionate person.”

May chance pa bang magkabalikan uli sila?

“I don’t know, I really don’t know. I don’t want to answer na parang alam ko ang lahat but I don’t,” pagtatapos ng aktres. (ADOR SALUTA)