TALAVERA, Nueva Ecija - May packaging tape at nakabalot sa sako ang bangkay ng dalawang lalaki, na kapwa may tama ng bala sa ulo, nang madiskubre sa irrigation canal sa Purok 3, Barangay Campos sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng Talavera Police ang mga biktimang sina Manuel Tamayo y Ompong, binata, driver; at Roman Tamayo y Mariano, alyas “Ron”, 38, watch technician, may asawa, kapwa taga-Bgy. Bacal III.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Gilbert Dizon, dakong 7:20 ng umaga nang mapadaan sa irigasyon ang isang magsasaka at makita nito ang dalawang bangkay na nakabalot ng sako.

Nobyembre 3 nang iulat ang pagkawala ng isa sa mga biktima.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang. (Light A. Nolasco)