Aprubado na sa Sandiganbayan ang mosyon ng dating Chief of Staff ni Senator Juan Ponce Enrile, na idinadawit sa multi-bilyong pisong pork barrel fund scam, na sumailalim sa dental surgery.

Iniutos na ng anti-graft court sa pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Camp Bagong Diwa sa Taguig na pansamantalang palabasin sa kulungan si Reyes para sa nasabing dental operation.

Sa mosyon ni Reyes, binanggit niya na dumaranas siya ng matinding pananakit ng ngipin kaya hiniling niya sa korte na payagan siyang sumailalim sa nasabing clinical procedure.

Si Reyes ay ikinulong matapos na boluntaryo siyang sumuko sa mga awtoridad noong Hulyo 2014, makaraang isangkot sa pork barrel scam kasama si Enrile. (Rommel P. Tabbad)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20