Gustong ikasa ni Top Rank big boss Bob Arum si eight division world champion Manny Pacquiao sa magwawagi sa mga Amerikanong sina WBO welterweight champion Timothy Bradley at challenger Brandon Rios na magsasagupa sa Linggo sa Wynn Hotel & Casino sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos.

Sa panayam ni Ryan Burton ng BoxingScene.com, inamin ni Arum na plano niyang ilaban ang Bradley-Rios winner kay Pacquiao pero kandidato pa rin sina WBC Silver welterweight titlist Amir Khan ng Great Britain at WBO light welterweight champion Terence Crawford.

“It is a terrific fight because they are both professionals, they both come to fight. They have always given 100%. I look for a great fight on Saturday night,” sabi ni Arum.

Sa magwawagi sa laban ng dalawang boksingerong kapwa lumasap ng pagkatalo kay Pacquiao, nais niyang bigyan ito ng pagkakataon na magkaroon ng rematch sa Pinoy boxing icon o kay Mexican Saul “Canelo” Alvarez.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“The future is open for both of them. If Bradley wins he can go on and maybe fight Manny Pacquiao or maybe fight Canelo if Canelo beats (Miguel) Cotto,” dagdag ni Arum. “ If Rios wins Canelo is a good option and if those fights don’t materialize there are a lot of guys they can fight.” (Gilbert Espeña)