Mga laro ngayon

Araneta Coliseum

2 p.m. UST vs. UE

4 p.m. UP vs. Ateneo

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Dodoblehin ang puwersa ng University of Santo Tomas (UST) para masungkit ang top 2 para sa kanilang target na twice-to-beat incentive habang pipilitin naman ng Ateneo de Manila na makalapit sa inaasam-asam na Final Four berth sa pagsabak nila sa magkahiwaly na laban ngayong hapon sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 78 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Sa ngayon, nasa ikalawang puwesto ang Growling Tigers kasunod ng nangunguna at kapwa nila semifinalist na Far Eastern University (FEU) hawak ang barahang 9-2, panalo-talo, habang nakabuntot sa kanila ang Blue Eagles na may barahang 7-4, panalo-talo.

Maglalaban ang Tigers at University of the East (UE) Red Warriors ganap na 2:00 ng hapon habang ang Blue Eagles naman at season host University of the Philippines (UP) sa ganap na 4:00 ng hapon.

Magkasalo sa kasulukuyan sa ikalimang puwesto ang Red Warriors at Fighting Maroons na may barahang 3-7,panalo-talo, dalawang panalo ang pagkakaiwan sa sinusundan nilang National University(NU) na may barahang 5-7, panalo-talo.

Buhay pa ang pag-asa ng dalawang koponan basta magawa lamang nilang walisin ang nalalabing apat na laban kabilang ang mga laro ngayong hapon at umasang hindi lalagpas sa anim na panalo ang mga sinusundang La Salle (5-6) at NU.

Bagamat tinalo na nila noong first round, ayaw magkumpiyansa ni UST coach Bong de la Cruz sa kanilang tsansang muling talunin ang Red Warriors.

“Nakita naman natin kung paano kami pinahirapan ng UE noong first round at siyempre siguradong doble pa dun ang gagawin nila para makabawi.Kaya kailangan talaga handa kami,” pahayag ni de la Cruz.

Galing naman sa dalawang malaking panalo kontra UST at NU, tatangkain ng Blue Eagles na maitala ang pinakamahabang winning streak ngayong season sa pagtutuos nila ng Maroons na tinalo na nila noong first round, 56-43.

Inaasahan ding naka-recover na mula sa natamong sprained ankle si King Eagles Kiefer Ravena para muling pamunuan ang Blue Eagles sa tangka nitong ikawalong panalo. (MARIVIC AWITAN)