CONCEPCION, Tarlac - Natigmak ng sariwang dugo ang Concepcion-La Paz Road sa Barangay Sto. Rosario sa bayang ito makaraang magkabanggaan ang isang motorsiklo at isang tricycle, na ikinasugat ng apat na katao.

Kinilala ni SPO1 Eduardo Sapasap ang mga biktimang sina Alvin Safran, Jr., driver ng SYM Bonus motorcycle (BD-72053), ng Barangay Minane; Jhencel Agustin, 18, angkas ni Safran, ng Bgy. Caluluan, Concepcion; Erwin Sigua, 38; at Robert Feliciano, 26, ng Bgy. Jefmin, Concepcion, Tarlac.

Dakong alas 8:00 ng umaga, pakanluran ang motorsiklo nang makasalpukan nito ang kasalubong na tricycle.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog