Nobyembre 2, 1947 nang imaniobra ng Hollywood producer at tycoon na si Howard Hughes ang Hughes Flying Boat (o “The Spruce Goose”) sa ibabaw ng Long Beach Harbor sa California sa loob ng isang minuto. Ito ang pinakamalaking aircraft na nabuo.

Taong 1932 nang itatag ni Hughes ang Hughes Aircraft Company, at noong 1938, lumipad siya sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa loob ng tatlong araw at 19 na oras.

Sa kasagsagan ng World War II, nagplano ang industrialist na si Henry Kaiser para sa isang grupo ng malalaking eroplano na may kakayahang magbiyahe ng mas maraming tao at kargamento patawid sa Atlantic Ocean. Ginamit ni Hughes ang prosesong Duramoid, na tumutulong sa paghubog sa plywood.

Gumastos ng $23 million si Hughes upang mas mapaganda ang Hughes Flying Boat.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito