Angelu De Leon
Angelu De Leon
“MASAYA kami ng mga co-stars ko sa Buena Familia dahil extended ang aming afternoon prime drama until January, 2016,” bungad sa amin ni Angelu de Leon nang bumisita kami sa opening ng una niyang business, ang The Make-Over Lounge sa Xavier Residences, in front of Xavier School in Greenhills. “Acting naman talaga ang passion ko at bago sa akin ang mag-manage ng business. Hindi naman ako nag-iisa rito, fourteen kaming puro girls, kasama ko si Chef Rosebud Benitez at Phoemela Baranda.”

Inamin ni Angelu na ang asawang si Wowie Rivera ang nag-motivate sa kanya na mag-business, kaya nang mag-open naman ang restaurant business nito, ang Spice & Clever, nandoon siya para tumingin-tingin kung paano mag-manage, kahit ibang-iba naman ito sa business na itinayo niya.

Biniro tuloy si Angelu kung bakit ngayon lamang siya nakaisip mag-business samantalang malaki na tiyak ang naipon niya simula nang mag-artista noong 12 years old pa lamang siya. Nag-invest daw lamang siya noon sa real estate, with her mom, si Mommy Flora.

“Saka open book naman ang buhay ko at alam ninyo ang nangyari sa akin noon. Kung nag-business ako noon, baka napabayaan ko rin. Now, with my husband, may nagbibigay sa akin ng advice para ituluy-tuloy ito.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Iyong mga naka-experience na ng services ng kanyang saloon ay nagri-request na maglagay siya ng branch sa Quezon City, dahil mahusay ang kanyang mga tao at very affordable ang prices nila. Titingnan daw muna nila, dahil four months pa lamang naman sila, at kung puwede na ay maglalagay sila ng branch in Quezon City.

Since almost three months pa ang itatakbo ng Buena Familia, ano ang puwedeng asahan sa story nito, like, naalaala na ba niya kung sino talaga siya, kung ano ang relasyon niya sa mga gustong makuha siya, at kung sino ang nagpakilala sa kanyang si Arthur na asawa raw niya?

“Marami pang mangyayari sa story, na tiyak na ikagugulat ninyo. Marami na ngang nagtatanong sa akin ano na raw ang nangyari sa story na si Bobby Andrews na asawa ko ay si Sheryl Cruz ang laging kasama at ako naman, napunta kay Dino Guevarra? Tutok lamang kayo pagkatapos ng The Half Sisters araw-araw.”

Wala namang kabalak-balak si Angelu na iwanan ang GMA Network na naging very supportive sa kanya at hindi siya nawawalan ng trabaho. --Nora Calderon