Nakatakdang umalis ngayon ang mga miyembro ng national archery team upang lumahok sa idaraos na 19th Asian Archery Championships na gaganapin sa Bangkok Thailand.

Kabilang sa mga magtutungo ng Thailand para sa Asian Olympic Continental Qualification Tournament ay sina Youth Olympic Games gold medalist Gabby Moreno, ang beteranong internationalist na si Florante Matan at mga baguhang sina Mary Queen Ybanez at Atanacio Fellicer.

Sasamahan nila ang kanilang mga teammate na sina Rachelle de la Cruz at Kareel Hongitan na isang linggo nang nauna doon at nagsanay para sa kompetisyon.

Tanging ang mga medalist lamang sa magaganap na torneo ang siyang mabibigyan ng pagkakataong makalahok sa Rio de Janeiro Games kaya naman matinding paghahanda ang ginawa ng mga Pinoy archer para makapasok sa Olympics.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Naniniwala sina De la Cruz, na naghahangad ng kanyang ikalawang Olympic stints makaraang mag-qualify sa nakaraang London Games at si Hongitan, beterano ng nakaraang World Cup kung saan siya tumapos na ika-9 na malaki ang kanilang tsansa na mag-qualify lalo pa’t sa mismong venue ng kompetisyon sila nagsanay.