HONG KONG (AP) — Mahigit 120 katao ang nasaktan nang bumangga ang isang high-speed ferry mula sa Macau sa isang bagay sa tubig.

Sakay ng hydrofoil ang 163 pasahero at 11 crew nang tumama ito sa isang hindi pa matukoy na bagay malapit sa isang maliit na isla sa dagat sa kanluran ng Hong Kong noong Linggo ng gabi.

Sinabi ng Hospital Authority na 124 katao ang nagtamo ng mga pinsala, lima sa kanila ang malubha.

Ito ang ikaapat na aksidente sa loob ng dalawang taon sa isang oras na ruta ng ferry sa pagitan ng Macau at Hong Kong.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'