Ipinakulong ng isang misis ang kanyang mister na bukod sa walang trabaho ay madalas pa siyang saktan pati na ang kanilang anak na may kapansanan sa Caloocan City, kamakalawa ng tanghali.

Paglabag sa RA 9262 (Violence Against Women and Their Children Act) ang ikinaso kay Juan Mendez, 47, ng No. 1210 Estemada International Street, ng nasabing lungsod.

Kuwento ng ginang na itinago sa pangalang “Alma”, bukod sa batugan at lasenggo ang kanyang 20-taon nang asawa ay madalas siyang makatikim ng sampal at buntal kapag umuuwi ito ng bahay na walang pagkain o hindi niya gusto ang ulam.

At sa tuwing aawat ang kanilang anak na may kapansanan ay sinasaktan din ito ng kanyang asawa. (Orly L. Barcala)
Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens