Alden Richards 2 copy

PATULOY ang bayanihan ng AlDub Nation, hindi lamang sa pagpapatayo ng AlDub Libraries sa mga eskuwelahan sa buong bansa, na ilalagay sa pangalan ng love team nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub).

Habang naghihintay na lamang sa presentation ng Tamang Panahon sa Sabado, October 24 sa Philippine Arena, tumugon muna sila sa panawagan ng Kapuso Foundation, Inc. na naghahanap ng volunteers para sa repacking ng relief goods na ipamimigay sa mga nasalanta ng bagyong Lando sa mga bayan simula Quezon hanggang Aurora at iba pang mga probinsiya sa Norte na nalubog sa baha at nawalan ng mga tirahan. Ginawa nila ito sa warehouse ng GMA sa Culiat, Quezon City.

Nang pumasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR), nag-issue ang AlDub Nation sa mga nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng Philippine National Red Cross (PNRC). Two weeks ago kasi, nagkaroon din ng blood-letting ang AlDub Nation kaya ngayon ay kaagapay na sila ng PRC. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Paano nga ba nagsimula ang 'World Smile Day?'

Samantala, kung noong Sabado ay ginawaran si Alden ng Gold record award ng GMA Records dahil kahit sa hapon pa ini-release ang album niyang Wish I May, may pre-order na ito at binibili sa iTunes na umabot sa required na 7,500 units para maging Gold.  

Nang ilabas naman sa Sunday Pinasaya ang world premiere ng kanyang music video para sa kanyang single na Wish I May, umabot agad ito sa 329,000 views at patuloy na tumataas ang bilang. 

As of Monday, October 19, umabot na sa Platinum record award ang Wish I May album, dahil bumenta na ito ng 15,000 units. Mapabilang kaya si Alden sa singers na nagkaroon ng multi-platinum award?

Sa katanungan ng Team Abroad na gustong tumulong kahit wala sila rito, ang sagot ni Sen. Tito Sotto, inihahanda na ng Banco de Oro ang account na puwede silang mag-deposit ng donations. Ipinaalaala niya na huwag silang basta magbibigay ng donasyon kung kangi-kangino lamang dahil baka hindi ito ma-account sa AlDub Library project.

(NORA CALDERON)