Ni Marivic Awitan

Nakapuwersa ang National University ng knockout Game Three matapos itabla ang finals series nila ng Ateneo kahapon sa 1-1 sa pamamagitan ng pagkuha ng 25-22, 25-17, 25-17 na panalo kahapon sa Game Two ng Shakey’s V League Season 12 Collegiate Conference finals sa San Juan Arena.

Umiskor ng 13 puntos si Jaja Santiago at tig-12 puntos naman ang kapatid niyang si Dindin Santiago-Manabat at Myla Pablo para pangunahan ang nasabing pagtabla ng Lady Bulldogs sa serye.

“Gumanda ‘yung receive namin unlike nu’ng first game, para kaming ‘di nag-practice,” pahayag ni NU coach Roger Gorayeb.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Nakaganda rin ‘yung one week kaming nakapag-prepare at saka sobrang pumped-up talaga ‘yung mga bata, gustong bumawi,” dagdag pa nito.

wala namang nakaiskor sa double figures para sa Lady Eagles sa unang pagkakataon kahit ang kanilang top hitter na si Alyssa Valdez na nagkasya lamang sa siyam na puntos.