Nagpaliwanag kahapon ang tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) sa hindi pagkakabilang sa 44 na operatiba ng Special Action Force (SAF) sa mga ginawaran ng parangal sa ika-144 na Police Service Anniversary kahapon.

Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, hindi napabilang ang 44 na miyembro ng SAF na napatay sa engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero, sa mga pinarangalan sa pulisya kahapon.

“Medal of Valor ang award na matatanggap ng 44 na pulis at hindi basta ibinibigay ito ng gobyerno. Marami ang maaaring pagdaanan nito,” sabi ni Mayor.

Tiniyak naman ni Mayor na ipagkakaloob sa SAF 44 ang nasabing pagkilala.

National

Desisyon sa impeachment trial vs VP Sara, ‘walang assurance’ na magiging patas – Pimentel

Ang Medal of Valor ang pinakamataas na parangal na iginagawad sa mga miyembro ng PNP.

Idinaos ang seremonya upang kilalanin ang mga kontribusyon ng mga miyembro ng PNP sa lipunan. - Fer Taboy