mariel at robin

LAST March, matatandaang iniyakan ni Mariel Rodriguez ang miscarriage sa kanyang dinadalang first baby sana  nila ni Robin Padilla.

inasa-Diyos na lamang iyon ni Mariel at umasa na balang araw ay may panibagong blessings na kapalit ang pagkamatay ng kanilang unang baby.

Natupad naman ang dalangin ni Mariel dahil buntis ulit ang tv host-aktres at masayang ibinalita sa pamamagitan ng social media ang pagdating sa kanila ng bagong supling… mga supling.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Heto pa, surprised ang mag-asawa nitong weekend dahil ang resulta sa latest ultra-sound kay Mariel, baka raw kambal ang pumipintig sa kanyang sinapupunan.

Pero sa latest na Instagram post ni Robin nitong nakaraang Lunes, may posibilidad daw na maging triplets pa ito.

Naghihinala tuloy ng kanilang mga kaibigan na baka sinamantala ng mag-asawa na mag-undergo ng in vitro fertilization (IVF) habang nasa halos isang buwan silang bakasyon sa Spain.

Karamihan kasi sa kababaihang sumasailalim sa IVF ay nagkakaroon ng kambal, triplets o mas marami pang sanggol.

Sa IG post ni Robin itinanggi ni Mariel na hindi sila sumabak sa anumang procedures o kaya’y nag-take ng special medicines na pampa-fertile. Lahat daw ng kaganapan ay kaloob ng Diyos.

“I seriously can’t believe it.

Oh my gosh!!! Because we didn’t do IVF… we didn’t take special medicine to produce more eggs… It’s all God’s gift!!! I’m so happy!!!” saad ni Mariel sa kanyang post.

“God will make a way when it seems to be no way,” post naman ni Robin.(ADOR SALUTA)