Ito ang huling bahagi ng ating paksa tungkol sa mga taong walang ginawa kundi ang masuklam sa kanilang kapwa. Maaari ring maging dahilan ng kanilang pagkasukal ang pagkainggit sa iyong mga plano. Sasabihin nila sa isa’t isa, “Bakit kaya hindi ko nainip iyon?” At sisikapin nilang bantuan nila ng malamig na tubig ang apoy ng iyong mga pangararap. Kung determinado kang magtagumpay, kailangan mong manaig sa kanilang mga negatibong komento...

  • Iwasan mo na lang sila. - Kung alam mo ang kinaroroonan ng mga nasusuklam, iwasan mong pumaroon. At kung hindi mo naman maiwasang makasama sila sa isang lugar, huwag buksan ang paksa tungkol sa iyong mga plano o ideya. Hindi mo obligasyon ang ibahagi sa kanila ang iyong mga balakin.
  • Paigtingin ang iyong determinasyon. - Kung talagang nais mong magtagumpay, hindi mo iintindihin ang mga taong nasusuklam sa iyong mga plano. Gamitin mong “panggatong” ang kanilang mga batikos upang lalong lumiyab ang iyong determinasyong maging wagi. Ngayon may isa pang layunin ang iying pangarap: Ang patunayang kaya mo itong gawin.
  • National

    Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

  • Kilalanin ang iyong kausap. - Kapag nagpayo ang isang hindi naman eksperto, walang katuturan iyon. Manatili kang naka-focus sa iyong mga plano at huwag mong intindihin ang mga salita ng isang nasusuklam na nagmamarunong. Ikaw lang ang nakaaalam kung anu-ano ang mga elementong kailangan para matupad ang iyong mithiin, ang mga paraan upang mangyari iyon, at ang tindi ng determinasyon upang magtagumpay.
  • Magpatuloy ka. - Sa sandaling ipahayag mo sa publiko ang iyong pangarap, maaaring umani ka ng suporta mula sa iyong pamilya at mga kaibigan; ngunit maaari ka ring humarap sa mga pag-atake. Ikukumpara ang iyong mga ideya sa kanilang ideya at malamang na sabihin pa sa iyo na mas mainam ang sa kanila. Ano man ang sabihin nila, magpatuloy ka sa iyong mga plano sapagkat sa iyong sarili ka lang may pananagutan.

Nasa iyo naman talaga ang pagpapasya kung hahayaan mong patayin ng mga nasusuklam ang iyong mga pangarap.